GMANetwork.com - Foundation - Home of the Kapuso Foundation

This is the official website of the Kapuso Foundation, the most accomplished, most trusted, and most credible non-government organization in the Philippines.


Mga nasalanta ng Bagyong Tino sa S. Leyte at E. Samar, hinatiran ng food packs ng GMAKF | 24 Oras

Nov 8, 2025
GMA Kapuso Foundation

Pinadapang mga bahay at apektadong kabuhayan ang naging epekto ng Bagyong Tino sa Silago, Southern Leyte. Problema tuloy ang pagkukunan ng pangangailangan. Kaya naman agad na naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation Read more


1,000 pamilyang nasalanta ng Bagyong Tino sa Talisay, hinatiran ng food packs ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Nov 6, 2025
GMA Kapuso Foundation

Hindi pa man lubos na nakabangon mula sa pinsalang dulot ng lindol panibagong pagsubok naman ang kinakaharap ng mga kababayan natin sa Cebu matapos manalasa ang Bagyong Tino. Sa kabila ng unos handa namang umagapay ang Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation para sa mga apektadong residente. Read more


Relief goods para sa mga binagyo sa Cebu, S. Leyte, at E. Samar, inihahanda na ng GMAKF | 24 Oras

Nov 5, 2025

Relief goods para sa mga binagyo sa Cebu, S. Leyte, at E. Samar, inihahanda na ng GMAKF. Read more


GMAKF, papunta na sa Cebu at Eastern Samar para maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Tino | 24 Oras

Nov 5, 2025
GMA Kapuso Foundation

Mga Kapuso, parating na ang tulong ng GMA Kapuso Foundation sa mga lugar na matinding hinagupit ng Bagyong #TinoPH. Read more


GMAKF at PRC, nakalikom ng 486 blood bags sa Bloodletting Project sa GMA at PMA | 24 Oras

Nov 4, 2025
GMA Kapuso Foundation

Wala pong bitawan ang pagtulong ng GMA Kapuso Foundation sa mga naapektuhan ng lindol sa Cebu at Davao Oriental. Kabilang diyan ang pagkasa natin ng Sagip-Dugtong Buhay Bloodletting Project para tugunan ang kakulangan ng supply ng dugo sa mga ospital sa mga lugar na nilindol. Taos puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng sponsors, donors, partners, at volunteers na nakiisa sa aming proyekto.   Read more


GMAKF, nagbigay ng N95 face mask at vitamins sa mga apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Taal | 24 Oras

Oct 31, 2025
GMA Kapuso Foundation

 Sa muling pagbuga ng abo ng Bulkang Taal nitong linggo, muling naalarma ang mga taga-Agoncillo, Batangas dahil sa ibinuga nitong asupre. Para maagapan ang posibleng epekto nito sa kalusugan, agad na namahagi ang GMA Kapuso Foundation ng face masks at vitamins. Read more


2-story Kapuso School Bldg. na may 3 silid-aralan, ipapatayo ng GMAKF sa Malitbog Elem. School | 24 Oras

Oct 29, 2025
GMA Kapuso Foundation

Sa pananalasa ng Bagyong Kristine noong nakaraang taon, kabilang ang bayan ng Minalabac sa Camarines Sur sa lubhang naapektuhan. Dahil sa bagsik ng bagyo, nawasak ang ilang silid aralan sa Malitbog Elementary School. Kaya naman magpapatayo ang GMA Kapuso Foundation ng bago at matibay na Kapuso classrooms. Read more


GMA Network Showcases Bayanihan Spirit Through Kapuso Bloodletting Day

Oct 29, 2025
Kapuso Bloodletting Day

Demonstrating its commitment to public service and embodying the spirit of bayanihan, GMA Network held the Kapuso Bloodletting Day on October 24. Read more


Kapuso-type school building, ipapatayo ng GMAKF sa Malitbog Elementary School | 24 Oras

Oct 27, 2025
GMA Kapuso Foundation

Sa tuwing binabagyo, laging nalulubog sa baha ang Malitbog Elementary School sa Minalabac, Camarines Sur. Dahil unti-unting nasira ang kanilang mga silid, hiling ng paaralan na mabigyan sila ng matitibay at ligtas na classroom. 'Yan ang tutugunan ng Kapuso School Development Project ng GMA Kapuso Foundation.   Read more


Kapuso Bloodletting Day, matagumpay na nakalikom ng dugo para sa Cebu at Davao

Oct 25, 2025
Kapuso Bloodletting Day

Matagumpay na nakalikom ng dugo para sa mga apektado ng nakaraaang mga lindol sa Cebu at Davao sa ginanap na Kapuso Bloodletting Day noong October 24. Ayon sa GMA Network, nakalikom na ng 118 blood bags as of 2:27 p.m. salamat sa mainit na suporta ng mga empleyado ng GMA Network. Ang Kapuso Bloodletting Day ay inorganisa ng GMA Network, Philippine Red Cross, at GMA Kapuso Foundation. Tugon ito sa kakulangan ng supply ng dugo sa mga ospital at medical facilities sa Cebu at Davao matapos tumama ang mga malalakas na lindol dito. Matatandaang nakaranas ng 6.9 magnitude earthquake noong September 30 sa Cebu, habang magkasunod na 7.4 at 6.8 magnitude earthquakes ang tumama sa Davao noong October 10. Silipin ang matagumpay na Kapuso Bloodletting Day dito: Read more


GMAKF, naghatid ng tulong sa 8,000 apektado ng Bagyong Ramil sa Sigma at Panitan, Capiz | 24 Oras

Oct 24, 2025
GMA Kapuso Foundation

 Sa gitna ng sunod-sunod na pagsubok sa ating bansa tulad ng mga bagyo, dama pa rin ang pagmamalasakit ng bawat isa. Patunay ang suporta niyo sa operation bayanihan ng GMA Kapuso Foundation kaya nakapaghatid tayo ng tulong sa mga binaha sa Capiz dahil sa Bagyong Ramil. Read more


GMA Network employees, nag-donate ng dugo sa Kapuso Bloodletting Day

Oct 24, 2025
Kapuso Bloodletting Day

Para sa mga apektado ng lindol sa Cebu at Davao ang blood bags na nalikom sa Kapuso Bloodletting Day. Read more


4,000 taga-Panitan na binaha dahil sa Bagyong Ramil, tinulungan ng GMAKF | 24 Oras

Oct 22, 2025
GMA Kapuso Foundation

Nagmistulang ilog ang ilang barangay sa Panitan, Capiz dahil sa hagupit ng nagdaang Bagyong Ramil. Ilang araw ding natigil ang kabuhayan ng mga residente roon. Upang maibsan ang kanilang hirap, agad na naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation.   Read more


15 batang may cancer, tinutulungan ng GMA Kapuso Foundation sa kanilang gamutan | 24 Oras

Oct 21, 2025
 GMA Kapuso Foundation

Sa murang edad, humaharap na sa matinding pagsubok ang mga batang tinutulungan ng Kapuso Cancer Champions Project ng GMA Kapuso Foundation. Ngayong papalapit na kapaskuhan, handog natin ang libreng chemotherapy sessions at iba pang mga regalo at surpresa. Sana’y patuloy po natin sila samahan at tulungan sa kanilang laban. Read more


Mahigit 50,000 nilindol sa Cebu at Davao Or., nahatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Oct 21, 2025
GMA Kapuso Foundation

 Marami pa rin sa mga nilindol sa Cebu at Davao Oriental ang nasa evacuation center dahil nasira ng pagyanig ang kanilang bahay. Sa loob ng dalawang linggo, mahigit 50,000 indibidwal ang ating nahatiran ng tulong. Taos puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng tumulong na partners, sponsors at donors. Read more

advertisement


12,000 nilindol sa mga bayan ng Cateel, San Isidro at Banaybanay, tinulungan ng GMAKF | 24 Oras

Oct 16, 2025
GMA Kapuso Foundation

Sa gitna ng kalamidad, lalong nangingibabaw ang diwa ng bayanihan. At dahil sa inyong pakikiisa at pagmamalasakit, patuloy na naihatid ng Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation ang tulong at pag-asa sa mga kababayan nating naaapektuhan ng lindol sa Dava Read more


Mga nilindol sa mga bayan ng Manay at Tarragona, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Oct 13, 2025
 GMA Kapuso Foundation

 Dahil sa magkasunod na malalakas na lindol sa Davao Oriental, natatakot pa rin hanggang ngayon ang marami sa bayan ng Manay. Sa kabila niyan, hindi pa rin nila binibitawan ang pag-asang makabangon. Kaya agad na naghatid ng tulong doon ang GMA Kapuso Foundation sa ilalim ng Operation Bayanihan.   Read more


32,336 nabigyan ng tulong sa ilalim ng Operation Bayanihan Project para sa Bagyong Opong ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Oct 10, 2025
GMA Kapuso Foundation

 Magkakasunod na kalamidad ang sumubok sa ating mga kababayan nitong mga nakalipas na Linggo. At para maibsan ang kanilang kalbaryo, sinikap ng GMA Kapuso Foundation na marating ang mga apektadong lugar. Maraming salamat po sa lahat ng volunteers, partners, at donors na nakiisa para sa kanilang pagbangon. Read more


16,000 na naapektuhan ng lindol sa Cebu, hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Oct 10, 2025
GMA Kapuso Foundation

Hindi biro ang makapagpundar ng sariling bahay kaya doble ang sakit ng pagkawasak ng tahanan ng ilang nilindol sa Cebu. Tuloy naman ang paghahatid ng GMA Kapuso Foundation ng tents at food packs sa mga sinalanta ng lindol. Read more


8,000 na apektado ng lindol sa Cebu, tinulungan ng GMAKF sa unang bugso ng Operation Bayanihan | 24 Oras

Oct 6, 2025
GMA Kapuso Foundation

 Sa isang iglap, binago ng malakas na lindol ang buhay ng libo-libong taga-Cebu. Tuloy-tuloy pa ang paghahatid ng tulong ng GMA Kapuso Foundation sa mga apektadong pamilya na hindi natitibag ang pag-asang muling makabangon. Read more