GMA Kapuso Foundation, nagbigay tulong sa 28 na pampublikong ospital | GMANetwork.com - Foundation - Articles

As of April 8, mahigit 28 pampublikong ospital na ang natutulungan ng GMA Kapuso Foundation.

GMA Kapuso Foundation, nagbigay tulong sa 28 na pampublikong ospital

By CARA EMMELINE GARCIA

Mga Kapuso, dahil sa inyong tulong at suporta umaabot na sa 28 pampublikong ospital sa Luzon ang natutulungan ng GMA Kapuso Foundation.

Ayon sa natala ng organisasyon, nakapagdonate na ang GMA Kapuso Foundation ng 98,000 non-sterile gloves, 23,000 surgical masks, 3,500 face shields, 2,380 bottles ng alcohol, 1,500 face masks, 1,000 personal protective equipment (PPEs), 1,200 soaps, 3 gallon ng sanitizer, mahigit 6,000 na 1.5 litre water bottles, 2,100 na 6 litre bottles, 130 blankets, at 130 folding beds. 

Simula nang ianunsyo ang enhanced community quarantine noong Marso, nagsagawa ang GMA Kapuso Foundation ng weekly distribution ng medical at relief goods sa ilang pampublikong ospital. 

Kabilang dito ang Philippine Heart Center, San Lazaro Hospital, East Avenue Medical Center, Quirino Memorial Medical Center, Quezon City General Hospital, Amang Rodriguez Medical Center, National Children’s Hospital, Rizal Medical Center, Ospital ng Muntinlupa, Rosario-Maclang Bautista Hospital, Baguio General Hospital and Medical Center, Claro M. Recto Medical Center sa Infanta, Quezon, JB Lingad Hospital sa Pampanga, Los Banos Municipal Health Office, National Kidney and Transplant Institute, at marami pang iba. 


Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para sa iba pang medical supplies na ihahandog sa COVID-19 frontliners at pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang, “Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.”

Para sa mga nais tumulong, maari pa rin mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website: www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate

GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa pangatlong batch ng mga pampublikong ospital

GMA Kapuso Foundation nakatulong sa 7 pampublikong ospital