GMA Kapuso Foundation at local fast food chain, nagpaabot ng tulong sa San Mateo, Rizal
April 14 2020
By CARA EMMELINE GARCIA
Pagkatapos ng Metro Manila, pumapangalawa ang Rizal sa pinakamaraming COVID-19 cases sa bansa kaya’t ipinatupad na ang total lockdown sa buong lalawigan.
Dahil dito, lubhang naapektuhan ang mga naninirahan sa bundok katulad ng San Mateo.
Kaya nagtungo ang GMA Kapuso Foundation kasama ang local fast food chain na Jollibee sa Barangay Maly para magbigay ng tulong.
Kuwento ni Arnold Jacobe, Brgy. Captain ng Barangay Maly, halos pumapatak sa 80% ang apektado sa kanilang lalawigan na binubuo ng mga karpentero at manggagawa sa mga pabrika at hindi sapat ang kita nila sa pagkain.
Kaya naman sa tulong ng mga donasyon sa GMA KAapuso Foundation, naghatid ng ilang “Kapuso Family Grocery Packs” ang organisasyon sa ilalim ng #LabananNatinAngCOVID19 campaign.
Sa pagbisita, mahigit 600 pamilya o 2,500 na indibidwal ang natulungan at nabigyan ng Kapuso Family Grocery Pack na naglalaman ng mga sumusunod: Frozen Jollibee chickenjoy pack (8 pcs per pack), 10 canned goods, 4 packs ng Aji Savor Rice, 12 sachets ng kape, 1 pack ng cupcakes, 2 packs ng sabon, 2 kilong bigas, at 5 packs ng instant mami noodles.
Mga Kapuso, dahil po sa inyong tulong at suporta, marami sa ating mga kababayan ang natutulungan ngayong panahon ng krisis.
Comments
comments powered by Disqus