GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa provincial frontliners | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Naghatid ng tulong sa provincial frontliners ang GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagdo-donate ng PPEs at iba pang mahahalagang gamit.  

GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa provincial frontliners

Provincial frontliners na lumalaban sa COVID-19 naman ang hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation.

Nagbigyan ng mga mahahalagang gamit ang Jose B. Lingad Memorial General Hospital sa Pampanga, Claro M. Recto Memorial District Hospital sa Quezon, Baguio General Hospital and Medical Center, Cagayan Valley Medical Center at Los Baños Municipal Health Office.

Kabilang din ang National Center for Mental Health sa Mandaluyong at National Kidney and Transplant Institute.

Sa kabuuan, nakapaghatid ang GMA Kapuso Foundation ng 21,000 pares ng gloves, 1,400 piraso ng face shields, 1,000 sets ng personal protective equipment, 1,000 piraso ng germicidal soap, 985 bote ng alcohol at 3 gallons ng sanitizer.

Katuwang sa pamamahagi ang 2nd at 5th Infrantry Division ng Philippine Army, pati na ang Northern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines.

Lubos ang pasasakamat ng GMA Kapuso Foundation sa mga donasyon mula sa Le Minerale, LPT Marketing Company, Inc., Kopiko, Jollibee Group at kay LTFRB Regional Director Ahmed Quizon.
 


Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para mga medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa enhanced community quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.