GMA Kapuso Foundation, nagbigay tulong sa 2,600 tao sa Caloocan | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Naghatid ng tulong sa 2,600 tao sa Caloocan ang GMA Kapuso Foundation.

GMA Kapuso Foundation, nagbigay tulong sa 2,600 tao sa Caloocan

By MARAH RUIZ

Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa 2,600 na tao, na nawalan ng hanap-buhay dahil sa banta ng COVID-19, sa isang barangay sa Caloocan.

Ipinamahagi ng GMA Kapuso Foundation ang fully loaded Kapuso grocery packs at frozen Chickenjoy packs mula sa Jollibee sa Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan City.

Katuwang pa rin sa pamamahagi ang Joint Task Force-NCR ng AFP.

Naging posible ang operasyon dahil sa mga donasyon mula sa Ajinomoto Philippines Corp., Kopiko, at Lucky Me!

Sa kasalukuyan, 16,130 tao na ang natulungan ng GMA Kapuso Foundation mula sa mga lungsod ng Caloocan, Manila, Quezon. Gayundin sa mga probinsya ng Bulacan at Rizal. 


Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para mga medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa enhanced community quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website: https://www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate