GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng tulong sa San Jose Del Monte, Bulacan | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nag-abot ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa isang lugar sa San Jose Del Monte, Bulacan.

GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng tulong sa San Jose Del Monte, Bulacan

By MARAH RUIZ

2,600 na tao sa San Jose del Monte, Bulacan ang nabigyan ng tulong ng GMA Kapuso Foundation.

Naapektuhan kasi ng banta ng COVID-19 ang kabuhayan ng karamihan ng mga residente ng barangay Sto. Niño 1, Sapang Palay, San Jose Del Monte, Bulacan.

Nagpamahagi ang GMA Kapuso Foundation ng fully loaded Kapuso grocery packs at frozen Chickenjoy packs sa pamayanan.

Katuwang pa rin sa pamamahagi ang Northern Luzon Command ng AFP at 48th Infantry Batallion ng Philippine Army.

Naging posible ang operasyon salamat sa mga donasyon mula sa Kopiko, Colgate-Palmolive Philippines, Inc., Ligo Sardines, Paratroopers from Special Forces Regiment Airborne at Nutri-Asia.

 


Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap-buhay dahil sa enhanced community quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.

Maari din bumili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shoppee.