GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 2,700 residente sa Cavite | GMANetwork.com - Foundation - Articles

2,700 residente sa Cavite ang nahatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation.  

GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 2,700 residente sa Cavite

Sa Dasmariñas, Cavite naman nagpamahagi ng tulong ang GMA Kapuso Foundation.

2,700 residente sa phase 1 at 2 ng Barangay Paliparan 3 ang nagbigyan ng fully loaded Kapuso grocery packs at frozen Chickenjoy packs, tinapay at sabong panligo.

Naging posible ito salamat sa mga donasyon mula sa Colgate-Palmolive Philippines, Inc., Nutri-Asia. King Sue Ham & Sausage Co. Inc., Mega Sardines, Champion Detergent at iba pang donors.

Katuwang ng GMA Kapuso Foundation sa pamamahagi ang 7th Marine Brigade ng Philippine Marines, 202nd Brigade at Army Reserve Command ng Philippine Army at 730th Combat Group ng 710th Special Operations Wing ng Philippine Air Force.

 



Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para mga medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa enhanced community quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.

Maari din bumili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shoppee at Zalora.