GMA Kapuso Foundation, napiling beneficiary ng mini-concert ng ilang Kapuso singers | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Ang GMA Kapuso Foundation ang napiling beneficiary ng mini-concert nina Anthony Rosaldo, Maricris Garcia at Julie Anne San Jose.  

GMA Kapuso Foundation, napiling beneficiary ng mini-concert ng ilang Kapuso singers

By MARAH RUIZ

Naghandog ng P50,000 each ang Kapuso singers na sina Anthony Rosaldo, Maricris Garcia at Julie Anne Sa Jose sa GMA Kapuso Foundation.

Galing ito sa kanilang talent fee sa isang online mini-concert series. Magagamit ito bilang pondo sa pagpapatuloy ng COVID-19 relief efforts ng GMA Kapuso Foundation.

"Ngayon na kaya ko namang tumulong na rin, hindi ko ipagkakait 'yung help kahit gaano katiting, na ibigay sa mga kababayan natin," pahayag ni Anthony.

"Lagi ko kasing pinagdadasal kay Lord na gawin niya kong instrument sa kahit na anong paraan para makatulong at makapag share ng blessing na ibinigay sa akin," pahayag naman ni Maricris.

"Gusto ko din pong gamitin 'yung voice ko to inspire other people to be positive and to push each other forward and help each other," pagsang-ayon naman ni Julie Anne.

Bukod sa kanila, lubos din nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa Safeguard at sa mga inidibwal na walang sawa sa pagbibigay ng kanilang donasyon.


Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para mga medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa enhanced community quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.

Maari din bumili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shoppee at Zalora.