GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng tulong sa Taguig | GMANetwork.com - Foundation - Articles

2,,400 tao sa Taguig and nahatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation.  

GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng tulong sa Taguig

By MARAH RUIZ

Sa isang pamayanan naman sa Taguig, kung saan maraming residente ang nawalang\ ng hanap-buhay dahil sa COVID-19, ang binigyan ng tulong ng GMA Kapuso Foundation.

Nagpamahagi dito ng fully loaded Kapuso grocery packs at frozen Chicken Joy packs. May kasama rin ditong tinapay at sabong panligo.

Muling nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa Mega Sardines, Champion Detergent, Safeguard, Gardenia Bakeries Phil., Inc., Columbia International Food Products Inc., at sa iba pang mga indibidwal na nagbigay ng kanilang mga donasyon.

Katuwang naman sa pagdi-distribute ng mga relief goods ang Joint Task Force-NCR ng AFP.

Sa kabuuan, 2,400 tao sa Taguig ang natulungan ng GMA Kapuso Foundation.

 




Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para mga medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa enhanced community quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.

Maari din bumili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shoppee at Zalora.