Mga pampublikong ospital na may COVID-19 cases, hinatiran ng supplies ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Personal protective equipment at iba pang supplies ang hatid ng GMA Kapuso Foundation sa ilang pampublikong ospital na may positive COVID-19 cases.

Mga pampublikong ospital na may COVID-19 cases, hinatiran ng supplies ng GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Patuloy ang pagtulong ng GMA Kapuso Foundation sa mga pampublikong ospital, partikular na ang mga may positive COVID-19 cases.

Para matulungan ang mga ito sa patuloy na paglaban sa sakit, naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng supplies sa Ospital ng Malabon, Veterans Memorial Medical Center, Valenzuela Medican Center, Sta. Ana Hospital, Tondo Medical Center, Ospital ng Maynila Medical Center at Dr. Jose Fabella Hospital.

Kabilang sa mga naipamahagi ang 21,000 pares ng gloves, 1,400 washable PPEs (cap, facemask, surigcal gown, shoe covers), 1,400 face shields, 1,400 500 ml bote ng alcohol, 750 McDo Chicken Fillet with rice meal, 750 McDo longganisa with rice meal, 2,266 guava juice, at 2,961 piraso ng germidical soap.

Lubos ang pasasalamat ng GMA Kapuso Foundation sa McDonald's Philippines, GMA 7 Employees Multi Purpose Cooperative, Bancnet Incorporated at sa iba pang mga donors na patuloy na nagbabahagi ng kanilang mga biyaya.

Katuwang pa rin sa pagdadala ng supplies at iba pang gamit ang Joint Task Force-NCR ng AFP.



 

Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para sa medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa enhanced community quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.

Maari din bumili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shoppee at Zalora, mag-convert ng Metrobank credit card rewards points, o gumamit ng PayMaya para mag-donate sa GMA Kapuso Foundation.