GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng tulong sa frontliners ng Rosario Maclang-Bautista General Hospital | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa Rosario Maclang-Bautista General Hospital na nas COVID-19 red zone sa Quezon City.

GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng tulong sa frontliners ng Rosario Maclang-Bautista General Hospital

By MARAH RUIZ

Ang Rosario Maclang-Bautista General Hospital ang pangunahing pampublikong ospital sa Batasan Hills na itunuturing na COVID-19 red zone sa Quezon City.

Kaya naman minarapat ng GMA Kapuso Foundation na maghatid ito ng 200 face shields, 200 sets ng PPE, 200 bote ng 500 ml alcohol, 3,000 pares ng gloves, 200 piraso ng Bioderm germicidal soap, 77 buckets ng Dunkin' Donuts munchkins at 192 piraso ng Crystal Clear bottled mineral water.

Muling nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa GMA 7 Employees Multi Purpose Cooperative, Bancnet Incorporated, XM at sa iba pang mga donors na patuloy na nagbabahagi ng kanilang mga biyaya.

Katuwang pa rin sa pagdadala ng supplies at iba pang gamit ang Joint Task Force-NCR ng AFP.

 



 

Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para sa medical supplies na ihahandog sa COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa enhanced community quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.

Maari din bumili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shoppee at Zalora, mag-convert ng Metrobank credit card rewards points, o gumamit ng PayMaya para mag-donate sa GMA Kapuso Foundation.