Ilang sundalo, nag-donate ng kanilang food allowance sa GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Inihandog ng ilang sundalong miyembro ng elite forces ang kanilang food allowance bilang donasyon sa GMA Kapuso Foundation.

Ilang sundalo, nag-donate ng kanilang food allowance sa GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Laging katuwang ng GMA Kapuso Foundation ang mga sundalo sa pamamahagi ng relief goods at medical supplies sa ilalim ng Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Bukod ito, minarapat pa ng ilang sundalong kabilang sa elite forces na ibigay bilang donasyon ang sarili nilang food allowance.

Napunta sa pagbili ng medical supplies para sa Tondo Medical Center and donasyon ng Paratroopers na bahagi ng elite special forces ng Armed Forces of the Philippines.

Taos-puso naman ang pasasalamat ng GMA Kapuso sa lahat ng donors at sponsors tulad ng Ascof Lagundi, Oracare Mouthrinse, at Poten-cee Vitamin C.

Katuwang pa rin sa pamamahagi ang 2nd Infantry Division at 48th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Dahil dito, higit 31,000 tao na ang nabigyan ng fully loaded Kapuso family grocery packs at 42 pampublikong ospital na ang nahandugan ng personal protective equipment at iba pang medical supplies.

 



Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para mga medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa enhanced community quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.

Maari din bumili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shoppee at Zalora, mag-convert ng Metrobank credit card rewards points, o gumamit ng PayMaya para mag-donate sa GMA Kapuso Foundation.