GMA Kapuso Foundation, naghatid ng protective supplies sa ilang border checkpoints | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Naghatid ng protective supplies at iba pang gamit sa ilang border checkpoints ang GMA Kapuso Foundation.

GMA Kapuso Foundation, naghatid ng protective supplies sa ilang border checkpoints

By MARAH RUIZ

Tulad ng ibang pang frontliners, mahalaga rin ang trabaho ng mga nasa border checkpoints para maiwasan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19.

Dahil dito, ilang border checkpoints and hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation.

Naghatid protective supplies at iba pang gamit ang GMA Kapuso Foundation sa border checkpoints na binabantayan ng AFP Task Force NCR, Western Mindanao Command, Central Command sa Cebu, 7th Infantry Division sa Nueva Ecija, 502nd Brigade sa Cagayan Valley, 2nd Infantry Division sa Calabarzon at Bureau of Fire sa Eastern Visayas.

Sa kabuuan, 21,500 pares ng gloves, 6,000 face masks, 1,600 face shields, 900 bottles ng 500 ml alcohol at 32 units ng thermal scanner ang naipamahagi.

Muling nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa lahat ng donors, kabilang ang Ascof Lagundi, Oracare Mouthrinse at Mondelez Philippines, Inc.

Katuwang pa rin sa pamamahagi ang Philippine Air Force at 8th Infantry Division ng Philippine Army.

 


Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para mga medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa enhanced community quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.

Maari din bumili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shoppee at Zalora, mag-convert ng Metrobank credit card rewards points, o gumamit ng PayMaya para mag-donate sa GMA Kapuso Foundation.