Higit 5,100 taong naapektuhan ng bagyong Ambo, natulungan ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa Northern at Eastern Samar na lubos na naapektuhan ng bagyong Ambo.

Higit 5,100 taong naapektuhan ng bagyong Ambo, natulungan ng GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Ilang mangingisda ang nawalan ng tahanan at hanap-buhay sa Northern at Eastern Samar dahil sa bagsik ng bagyong Ambo.

Agad namang rumispunde ang GMA Kapuso Foundation at naghatid sa lugar ng tulong na relief goods.

Sa kabuuan, higit 5,100 tao mula sa Northern at Eastern Samar ang natulungan.

Naisagawa ito sa tulong ng Kevin & Shirley Wong Foundation at ng iba pang donors.

Katuwang pa rin sa pamamahagi at maging sa pagre-repack ang 8th Infantry Division, 801st Brigade at 78th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Samantala, patuloy na tumatanggap ng mga donasyon ang GMA Kapuso Foundation. Bisitahin lang ang kanilang official site para malaman ang iba't ibang paraan ng pagdo-donate.