Tricycle at pedicab drivers, nahatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Kabilang ang tricycle drivers at pedicab drivers sa mga natulungan ng GMA Kapuso Foundation sa Laguna.  

Tricycle at pedicab drivers, nahatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Mahigit 2,400 tao mula sa Calauan, Laguna ang naabutan ng tulong ng GMA Kapuso Foundation.

Kabilang dito ang ilang tricycle drivers, pedicab drivers, person with disabilities at maging puto vendors na nahihirapang maghanap-buhay dahil sa lockdown na dala ng COVID-19.

Nagpamahagi ang GMA Kapuso Foundation ng fully loaded Kapuso grocery family packs, frozen Chickenjoy packs, tinapay, biskwit, sabong panlaba at panligo.

Naging posible ito salamat sa mga donors tulad ng Gardenia Bakeries Phils., Inc., Nissin Wafer, Mega Sardines, Mondelez Philippines Inc., Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry Inc., at Unilab Inc.

Katuwang pa rin sa pagre-repack at pamamahagi ang 2nd Infantry Division ng Philippine Army, 1st Infantry Battalion ng Philippine Marines, 7th Marine Brigade at 74th Marine Battalion.

 



Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para mga medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa enhanced community quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.

Maari din bumili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shoppee at Zalora, mag-convert ng Metrobank credit card rewards points, o gumamit ng PayMaya para mag-donate sa GMA Kapuso Foundation.