GMA Kapuso Foundation, patuloy na lumilikom ng pondo para sa COVID-19 relief operations | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Patuloy na lumilikom ng pondo ang GMA Kapuso Foundation ng pondo para sa 'Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.'

GMA Kapuso Foundation, patuloy na lumilikom ng pondo para sa COVID-19 relief operations

By MARAH RUIZ

Patuloy pa rin ang pagbibigay tulong ng GMA Kapuso Foundation sa mga pampublikong ospital, border checkpoints at maging sa mga indibidwal na pansamantalang nawalan ng hanap-buhay dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa ngayon, nakapagbigay na sa mga pampublikong ospital ng protective at sanitation supplies tulad ng 164,000 pares ng gloves, 30,852 piraso ng face masks, 10,000 piraso ng personal protective equipment, 9,580 piraso ng 500 ml alcohol, 8,600 piraso ng face shields, 9,207 piraso ng germicidal soaps, at 1,500 piraso ng N-95 mask.

Sa checkpoint frontliners naman, 33,500 pares ng gloves, 6,000 piraso ng face masks, 2,770 piraso ng face shields, 3,700 piraso ng 500 ml alcohol, at 53 piraso ng thermal scanner ang naihatid.

10,198 families, 41,021 individuals na rin ang natulungan sa relief distribution ng fully loaded Kapuso grocery packs sa Quezon City, Rizal, Manila, Caloocan, Bulacan, Cavite, Taguig, Laguna, Malabon, at Antipolo.

Lubos na nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa lahat ng indibidwal, korporasyon, kumpanya, organisasyon, mga artista at maging sundalo na nagpaabot ng tulong.

Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para mga medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa enhanced community quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.

Maaari ding bumili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shoppee at Zalora, mag-convert ng Metrobank credit card rewards points, o gumamit ng PayMaya para mag-donate sa GMA Kapuso Foundation.