GMA Kapuso Foundation, nag-abot ng tulong sa Talim Island, Rizal | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Umabot sa 2,400 tao sa Talim Island, Rizal ang hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation.

GMA Kapuso Foundation, nag-abot ng tulong sa Talim Island, Rizal

By MARAH RUIZ

Apektado ng COVID-19 ang pangingisda sa Talim Island, Rizal, na isa sa pangunahin hanap-buhay ng mga residente doon.

Pinagbawalan kasing pumalaot ang mga mangingisda noong nagkaroon ng lockdown dito. Tinamaan pa ng fish kill ang Laguna de Bay kung saan sila nangingisda noong isang buwan.

Kaya naman nagtungo rito ang GMA Kapuso Foundation para mahghatid ng tulong na fully loaded Kapuso grocery family packs, frozen Chickenjoy packs, tinapay, biskwit, sabong panligo at panlaba.

Sa loob ng apat na barangay, umabot sa 2,400 tao ang nabigyan ng tulong sa Talim Island, Rizal.

Katuwang pa rin sa pamamahagi ang Philippine navy, Philippine Fleet Naval Special Operations Group, 2nd Infantry Division ng Philippine Army at 80th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Nagpapasalamat din ang GMA Kapuso Foundation sa Sto. Domingo Parish, Talim Island.

Naging posible ang operasyon salamat sa tulong ng mga donors tulad ng Nissin Wafer at Mondelez Philippines.


Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para mga medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa enhanced community quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.

Maari din bumili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shoppee at Zalora, mag-convert ng Metrobank credit card rewards points, o gumamit ng PayMaya para mag-donate sa GMA Kapuso Foundation.