2,400 tao sa Laguna, natulungan ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa 2,400 tao sa Sta. Maria, Laguna.

2,400 tao sa Laguna, natulungan ng GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Kabilang ang mga nagtatanim at naglalako ng gulay sa mga naapetuhan ang kabuhayan dahil sa lockdown na ipinatupad sa Laguna dahil sa banta ng COVID-19.

Kaya naman hatid ng GMA Kapuso Foundation ang fully loaded Kapuso grocery family packs, frozen chicken packs, tinapay, biskwit, sabong panligo at panalaba para sa mga 2,400 residente sa Sta. Maria, Laguna.

Katuwang sa pamamahagi ang 2nd Infantry Division, 202nd Infantry Brigade, 1st Infantry Battalion ng Philippine Army.

Lubos na nagpapamasalat ang GMA Kapuso Foundation sa Mondelez Philippines Inc., Gardenia Bakeries Phils. Inc., at sa iba pang mga donors para sa kanilang tulong.

 

 

 

 

 



Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para mga medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa enhanced community quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.

Maari din bumili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shoppee at Zalora, mag-convert ng Metrobank credit card rewards points, o gumamit ng PayMaya para mag-donate sa GMA Kapuso Foundation.