1,800 naapektuhan ng mudflow sa Batangas, tinulungan ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa mga naapektuhan ng mudflow na dulot ng malakas na pag-ulan sa Laurel, Batangas.

1,800 naapektuhan ng mudflow sa Batangas, tinulungan ng GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Hindi pa man tuluyang nakakabangon mula sa pagputok ng bulkang Taal noong Enero, isang pagsubok na naman ang hinarap ng mga residente ng Laurel, Batangas.

Nagkaroon kasi ng mudflow, o baha na may dalang putik, dahil sa malakas na pag-ulan dito.

Agad na rumesponde ang GMA Kapuso Foundation para magbigay ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng mudflow.

Naghatid dito ng relief goods, tubig at hygiene kits para sa mahigit 1,800 residente.

Naging posible ang operasyon salamat sa donasyon mula sa Kingcup Sardines at iba pang mga donors at sponsors.

Katuwang pa rin sa pamamahagi ang 2nd Infantry Division ng Philippine Army, 731st Combat Squadron, 730th Combat Group at 710th Special Operations Wing ng Philippine Air Force.

Sa mga nais pang mag-abot ng tulong, bisitahin lang ang official website ng GMA Kapuso Foundation.