GMA Kapuso Foundation, naghatid ng protective supplies sa mga sundalo sa quarantine facilities | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Naghandog ng ilang protective supplies ang GMA Kapuso Foundation para sa mga sundalong naka-deploy sa ilang quarantine facilities.

GMA Kapuso Foundation, naghatid ng protective supplies sa mga sundalo sa quarantine facilities

By MARAH RUIZ

Ginagamit bilang COVID-19 quarantine facilities ngayong ang World Trade Center, Ninoy Aquino Stadium at Rizal Memorial Coliseum.

Dito dinadala ang mga pasyenteng asymptomatic o mga walang sintomas pati na ang mga nakakaranas ng mild symptoms ng sakit.

Karamihan sa mga narito ay mga repatriated OFWs, uniformed personnel at mga taong inilapit ng local government units.

Military healthcare workers ang nangangasiwa sa mga pasilidad at may security forces din na nagbabantay ng kaayusan dito.

Para maipagpatuloy nang ligtas ang kanilang trabaho, naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng ilang protective supplies tulad ng face shields at alcohol para sa mga sundalong naka-deploy sa quarantine facilities na ito.

 

 

 



Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para mga medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa enhanced community quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.

Maari din bumili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shoppee at Zalora, mag-convert ng Metrobank credit card rewards points, o gumamit ng PayMaya para mag-donate sa GMA Kapuso Foundation.