GMA Kapuso Foundation, nag-abot ng tulong sa mga lolo at lola sa shelter | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nagbigay ng tulong ang GMA Kapuso Foundation para sa mga lolo at lola na nakatira sa House of Somang-Home for the Elderly.

GMA Kapuso Foundation, nag-abot ng tulong sa mga lolo at lola sa shelter

By MARAH RUIZ

Naapektuhan din ng COVID-19 pandemic ang ilang shelter para sa mga matatanda.

Dahil pinagbawalan na muna ang pagbisita dito, nabawasan din ang mga nakakapagbigay ng donasyon.

Isa na dito ang House of Somang-Home for the Elderly sa Parañaque na pinangangasiwaan ng Kkottongnae Sisters of Jesus.

"Ngayon pong nagka-crisis po sa COVID, hindi po kami nag- e-entertain ng visitors. Kahit actually 'yung visitors namin gusto pumunta dito, mag-visit, hindi po kami nagaa-allow kasi nga po iwas din po sa mga lolo't lola namin dahil nga po sa mga underlying diseases nila," pahayag ni Sr. Arriane Montalban, novice sister ng Kkottongnae Congregation.

Minarapat ng GMA Kapuso Foundation na abutan sila ng tulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng fully loaded Kapuso grocery packs, hotdogs at ensaymada para sa mga residente ng shelter.

Katuwang din ng GMA Kapuso Foundation ang Kingcup Sardines para dito.

Sa mga nais pang mag-abot ng tulong, bumisita lang sa official website ng GMA Kapuso Foundation.