Batang may kakaibang kundisyon sa balat, muling tinulungan ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Unang nakilala ng GMA Kapuso Foundation noong 2013 si Joshua Cañares, isang batang may kundisyong lamellar ichthyosis.

Batang may kakaibang kundisyon sa balat, muling tinulungan ng GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Taong 2013 nang unang makilala ng GMA Kapuso Foundation ang batang si Joshua Cañares na noon ay apat na taong gulang pa lamang.

Mayroon siyang kakaibang kundisyon sa balat na kung tawagin ay lamellar ichthyosis kung saan tuyo ang balat at nagmimistulang kaliskis.

Binalikan ng GMA Kapuso Foundation ang pitong taon para kumustahin. Matapos ang ilang taong gamutan, bumuti na ang kundisyon ng bata.

"Ngayon po, hindi na po ako nangangati masyado. Saka hindi na po nagbibitak 'yung mga balat ko, tuwing malamig lang po," pahayag ni Joshua na ngayong ay 11 years old na.

Para makatulong sa patuloy na paggaling ni Joshua, naghatid sa kanya ang GMA Kapuso Foundation ng oatmeal liquid soap at virgin coconut oil matapos kumunsulta sa isang dermatologist.

"With the help of virgin coconut oil which is antifungal and antibacterial, it can help protect the patient from infections. 'Yung skin nag-smoothen out, nawawala 'yung dryness," paliwanag ng dermatologist na si Dr. Grace Beltran.

Bukod dito, naghatid din ang GMA Kapuso Foundation ng Kapuso family grocery pack para sa kanyang pamilya na naapektuhan din ng quarantine.

Sa mga nais tumulong kay Joshua, bumisita sa official website ng GMA Kapuso Foundation.

Samantala, panoorin din ang video na ito para mas maintindihan ang kundisyon ni Joshua at kung paano makakatulong sa kanya: