GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa jeepney drivers | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Kabilang ang ilang jeepney drivers sa mga natulungan ng GMA Kapuso Foundation sa Pandi, Bulacan.  

GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa jeepney drivers

By MARAH RUIZ

Isa sa lubos na naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang kabuhayan ng mga jeepney divers.

Hindi pa rin sla pinapayagang pumasada sa ilalim ng general community quarantine kaya halos tatlong buwan nang walang kita ang karamihan sa kanila.

Kaya naman naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa mga jeepney drivers sa Pandi, Bulacan.

Kabilang sila sa mahigit 1,700 tao na nabigyan ng Kapsuo GCQ family pack na may frozen chicken packs, biskwit, tinapay, hotdogs, bigas, juice, de lata, seasoning, hot chocolate powder, kape, powdered soup, sabong panlig at panlaba.

Naging posible ito dahil sa mga donasyon mula sa Mr. Park's Bread and Cake, Frabelle Foods Bossing Hotdogs at iba pang indibidwal na donors.

Katuwang pa rin sa pamamahagi ang 7th Infantry Division at 48th Infantry Batallion ng Philippine Army at PNP Pandi, Bulacan.



Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para sa medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa lockdown na hatid ng quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.

Maari din bumili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shoppee at Zalora, mag-convert ng Metrobank credit card rewards points, o gumamit ng PayMaya para mag-donate sa GMA Kapuso Foundation.