GMA Kapuso Foundation, naghatid ng isang truck ng tubig sa isang sitio sa Batangas | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nagdala ng isang truck ng tubig ang GMA Kapuso Foundation sa isang sitio sa Batangas kung saan pahirapan ang mag-igib ng tubig.

GMA Kapuso Foundation, naghatid ng isang truck ng tubig sa isang sitio sa Batangas

By MARAH RUIZ

Dalawang bukal ang pinagkukunan ng tubig ng Sitio Matala Ibaba sa Calaca, Batangas.

Masukal ang daang kailangan tahakin para makarating sa bukal at hindi pa maaring inumin ang tubig dito.

Inirarasyon naman ang tubig na pang-inom at panluto sa halagang P100 kada drum.

Dama ng 400 households hirap sa pagkuha ng malinis na supply ng tubig sa sitio.

Kasalukuyan namang hinahanapan ng solusyon ng local na gobyerno ang problema ng tubig sa lugar.

Para matulungan ang mga residente dito, nagdala ang GMA Kapuso Foundation ng isang truck ng tubig sa sitio, sa pakikiapgtulungan ng Manila Water Foundation, at Laguna Water.

Bukod dito, nagpamahagi din ng GCQ family packs habang tigil transportasyon at hindi pa makapag benta ng gulay na pangunahing hanap buhay ng mga residente dito.

Katuwang pa rin sa pamamahagi ang 2nd Infantry Division at 731st Combat Squadron ng Philippine Army.

Para sa mga nais pang maghatid ng tulong, bumisita lang sa official website ng GMA Kapuso Foundation.