Dalawang ospital sa Cebu, hinatiran ng protective supplies ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng protective supplies sa Oslob District Hospital at Bantayan District Hospital sa Cebu.  

Dalawang ospital sa Cebu, hinatiran ng protective supplies ng GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa Eastern at Central Visayas, patuloy din ang paghahatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa mga pampublikong ospital sa Cebu, Samar,p Leyte.

Sa pagpunta dito, nakilala ng GMA Kapuso Foundation si Allan Lauron, isang all around utility worker sa Oslob District Hospital.

Maituturing din siyang frontliner dahil sa pagtulong niya sa pasyenteng may sakit.

May lima nang pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa kanilang ospital.

Para maprotektahan ang mga tulad ni Allan, naghatid ng protective supplies ang GMA Kapuso Foundation sa Oslob Distric Hospital at Bantayan District Hospital sa Cebu.

Katuwang pa rin sa pamamahagi ang AFP Central Command.

Lubos namang nagpapasalamat ang GMA Kapyso Foundation sa STC Paper & Plastic Packaging Solutions para sa kanilang mga donasyon.

 



Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para mga medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa lockdown na hatid ng quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.

Maari din bumili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shoppee at Zalora, mag-convert ng Metrobank credit card rewards points, o gumamit ng PayMaya para mag-donate sa GMA Kapuso Foundation.