GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa Tarangnan, Samar | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Mahigit 7,000 tao sa Tarangnan, Samar ang inabutan ng tulong ng GMA Kapuso Foundation.  

GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa Tarangnan, Samar

By MARAH RUIZ

Nagkaroon ng 35 COVID-19 cases ang bayan ng Tarangnan, Samar pero liban sa isang namatay, gumaling na ang mga ito pagdating ng Hunyo.

Gayunpaman, nakakaranas ng diskriminasyon ang mga residente ng Tarangnan mula sa ibang bayan.

Walang nais bumili ng kanilang mga huling isda, na isa sa pangunahing kabuhayan ng mga taga rito. Pati pera mula sa mga taga-Tarangnan ayaw tangagapin sa takot na may virus itong dala.

Ayon sa World Health Organization, walang ebidensiya na naipapasa ang virus sa pamamagitan ng pera.

Para matulungan ang mga residente ng Tarangnan, nagbigay ang GMA Kapuso Foundation ng GCQ family packs at tinapay sa mahigit 7,000 tao dito.

Nagpapasalamat naman ang GMA Kapuso Foundation sa Santa Clara Shipping Corporation.

Katuwang pa rin sa pamamahagi ang 8th Infantry Division, 803rd Brigade, at 19th Infrantry Battalion ng Philippine Army, pati na ang PNP Tarangnan at BFP Tarangnan.

 



Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para mga medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa lockdown na hatid ng quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.

Maari din bumili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shoppee at Zalora, mag-convert ng Metrobank credit card rewards points, o gumamit ng PayMaya para mag-donate sa GMA Kapuso Foundation.