GMA Kapuso Foundation tumugon sa panawagan ng ilang pamilyang nangangailangan | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Tumugon ang GMA Kapuso Foundation sa panawagan mula sa ilang pamilyang nangangailangan na natanggap mula sa Facebook at email.

GMA Kapuso Foundation tumugon sa panawagan ng ilang pamilyang nangangailangan

By MARAH RUIZ

Sari-saring mensahe ang nakukuha ng GMA Kapuso Foundation sa Facebook at sa email mula sa iba't ibang taong naapekutuhan ng COVID-19 ang kabuhayan.

Isa na dito si Macario Caraig na nakatanggap ng prosthetic hand mula sa GMA Kapuso Foundation noong nakaraang taon.

Itinataguyod niya ang kanyang pamilya sa paglalako ng mga gamit pang dekorasyon na siya mismo ang gumagawa.

Kumikita siya noon ng P300 matapos ang buong araw na pagtitinda. Pero dahil sa pandemic, wala siyang maibenta.

Ganito din ang sitwasyon ni Rowena Nazam na nawalan ng trabaho ang asawang construction worker dahil sa pandemic.

Sinubukan niyang magpadala ng mensahe sa Facebook page ng GMA Kapuso Foundation.

Agad namang tinugunan ng GMA Kapuso Foundation ang panawagan nina Macario at Rowena at hinandugan sila ng GCQ family packs.

Patuloy ang pag-iikot ng GMA Kapuso Foundation sa Metro Manila at kalapit na probinsiya para makapagbigay ng tulong.

Para sa mga nais pang maghatid ng tulong, bumisita lang sa official website ng GMA Kapuso Foundation.