Mga katutubo sa Rodriguez, Rizal, hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

600 pamilya, kabilang ang mga katutubong Dumagat Remontado, ang binigyan ng tulong ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal.   

Mga katutubo sa Rodriguez, Rizal, hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Nagsimula nang magtanim at mag-ani ng palay, iba't ibang gulay at saging ang ilang katutubong Dumagat Remontado sa Barangay Puray sa Rodriguez, Rizal.

Pero problema pa rin nila ang pagbyahe patungong bayan para maibenta ang kanilang ani.

Halos isang oras kasi ang layo nito at kailangan sumakay sa habal habal.

P700 naman kada biyaheng balikan ang presyo ng habal habal ngayon, na dati ay mahigit P100 lang.

Para matulungan ang mga residente sa anim na sitio sa Barangay Puray sa Rodriguez, Rizal, naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng GCQ family packs para sa 600 pamilya na nakatira dito.

Katuwang pa rin sa pamamahagi ang 80th Infantry Battalion at 2nd Infantry Divison ng Philippine Army.

Lubos naman ang pasasalamat ng GMA Kapuso Foundation sa Gardenia Bakeries Inc. para sa kanilang mga donasyon.

Para sa mga nais pang maghatid ng tulong, bumisita lang sa official website ng GMA Kapuso Foundation.