GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng protective supplies sa mga pampublikong ospital sa Samar | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Muling naghatid ng mga protective supplies sa mga pampublikong ospital sa Samar ang GMA Kapuso Foundation.

GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng protective supplies sa mga pampublikong ospital sa Samar

By MARAH RUIZ

Patuloy ang pamamahagi ng GMA Kapuso Foundation ng medical supplies para sa mga frontliners sa Samar.

Sa pag-iikot ng Foundation dito, nakilala nila ang volunteer rescuer na si Rio Reballos.

Mahigit nang isang dekadang volunteer rescuer si Rio nag mag-positibo siya sa COVID-19.

 

 


"Day off namin, may tumawag sa akin. Galing sa Catbalogan 'yung ambulance. Tumawag sa amin, nagpapatulong para ibaba 'yung patay. Doon ako nagkaroon ng direct contact sa pasyente na na-test na positive," kuwento niya.

Isang buwan siyang nakipaglaban sa sakit at agad bumalik sa trabaho nang malagpasan ito.

"Gustong gusto ko po 'yung trabaho ko. Parang kadikit ko na sa buhay ko na tumulong sa mga tao. 'Di po ako natatakot na tumulong sa mga tao kasi sabi ko nga para sa atin 'to," aniya.

Laking pasalamat niya sa mga medical workers na nag-alaga sa kanya sa Tarangnan Community Hospital, ang nagiisang ospital sa kanilang bayan.

Para patuloy na masugpo ang paglaganap ng COVID-19 sa kanilang lguar, naghatid ng protective supplies ang GMA Kapuso Foundation sa mga pambuklikong ospital sa Samar.

Kabilang dito ang Samar Provincial Hospital, Biliran Provincial Hospital, Basey District Hospital, Calbayog City Health Office, Tarangnan Community Hospital, at Mabuhay Temporary Treatment and Management Facilty.

18,000 pares ng gloves, 1,200 sets ng personal protective equipment (PPE), 1,200 pieces ng face shield, 1,200 pieces ng alcohol, 4,320 pieces ng sabon, 2,100 pieces ng KN95 mask, 1890 bote ng Poten-Cee Gummies ang naipaabot sa kanila.

Katuwang pa rin sa pamamahagi ang 8th Infantry Division ng Philippine Army at Joint Task Force-NCR.

Para sa mga nais pang maghatid ng tulong, bumisita lang sa official website ng GMA Kapuso Foundation.