GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 5,000 residente ng Ormoc City
August 04 2020
By MARAH RUIZ
Natuyot ang kita ng ilang flower farms sa Ormoc City dahil sa COVID-19 pandemic.
Kabilang dito ang magkapatid na Joel at Ernesto Fuentes na nagtatanim at nagbebenta ng mga bulaklak.
Dahil sa pandemic, pansamantalang isinara ang pasyalan sa kanilang farm na dati ay kumikita ng P5,000 to P8,000 kada linggo.
"May mga protocols na bawal kaya sumusunod kami para iwas talaga na magkasakit," pahayag ni Joel.
Problema din nila ang pangpasweldo sa kanilang mga tauhan.
"Wala na po kaming pangsweldo sa kanila. Kaya sa isang linggo, nagpapapasok kami ng dalawa para mayroon din silang magagamit sa araw araw," pahayag naman ni Ernesto.
Para matulungan ang kanilang mga tauhan, pati na ang halos 5,000 sa dalawang barangay sa Ormoc City, naghandog dito ang GMA Kapuso Foundation ng Kapuso GCQ family packs.
Katuwang sa pamimigay ang Northern Luzon Command ng AFP, Tactical Operations Wing Northern Luzon ng Philippine Air Force, 8th Infantry Division, 802nd Infantry Brigade, 93rd Infantry Battalion, 8th CMO Battalion, 8RCDG Reservist ng Philippine Army.
Para sa mga nais pang maghatid ng tulong, bumisita lang sa official website ng GMA Kapuso Foundation.
Comments
comments powered by Disqus