GMA Kapuso Foundation, magsasagawa ng blood donation drive | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Upang matulungan ang mga nangangailangang masalinan ng dugo ngayong panahon ng pandemya, magsasagawa ang GMA Kapuso Foundation at Philippine Red Cross ng bloodletting drive ngayong Agosto.

GMA Kapuso Foundation, magsasagawa ng blood donation drive

By AARON BRENNT EUSEBIO

Bilang pagdiriwang sa kaarawan ng founder at ambassador ng GMA Kapuso Foundation na si Mel Tiangco, magkakaroon muli ng Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project ang Kapuso Foundation at Philippine Red Cross upang matulungan ang mga taong nangangailangang  masalinan ng dugo.

Kung ikaw ay 18 hanggang 65 years old, may timbang na 110 pounds o 50 kilograms pataas, at nasa mabuting kalusugan, makipag-ugnayan lamang sa Philippine Red Cross upang makapag-donate ng dugo.

Kung ikaw naman ay 16 o 17 years old, magpakita lamang ng consent mula sa iyong magulang na pinapayagan kang magdonate ng dugo.

Ngayong may banta pa rin ng COVID-19 pandemic, sinisigurado ng GMA Kapuso Foundation at Philippine Red Cross na susundin ang protective protocols upang mabawasan ang risk sa COVID-19.

Ilan sa mga nangangailangang masalinan ng dugo ay ang dengue patients, cancer patients, accident victims na may severe trauma, at iba pa.

Makakatanggap rin ang magdo-donate ng dugo ng limited edition baller IDs ng GMA Kapuso Foundation.

Tumawag lamang sa GMA Kapuso Foundation sa 8982-7777 local 9904, o 8928-9351 para sa iba pang detalye.

Pwede ring tawagan ang mga numero ng Philippine Red Cross sa buong Pilipinas.

 

Philippine Red Cross number

Tumawag lamang sa mga numero sa taas para makapag-donate ng dugo.