GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng hazmats at PPE sa 8 pampublikong ospital | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Muling naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng protective supplies kabilang ang hazmat suits at washable PPEs sa walong pampublikong ospital.

GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng hazmats at PPE sa 8 pampublikong ospital

By MARAH RUIZ

Patuloy ang pamimigay ng protective supplies ang GMA Kapuso Foundation para maprotektahan ang kalusugan ng mga frontliners na patuloy na humaharap sa COVID-19.

Nakilala ng Foundation si Dr. Recey Marie Pandy, chief resident ng Department of Medicine sa East Avenue Medical Center.

"After ng shift ko ng 7:00 pm, doon pa lang ako nagsi-CR, kakain, magpapahinga," kuwento niya sa karanasan ng pagsusuot ng personal protective equipment o PPE sa loob ng 12 oras.

Simula din noong Marso, sa ospital na rin siya namamalagi.

"Ang cope ko na nga lang is magvi-video call ako sa parents ko. Kahit papano nakukuwetuhan ko sila pero mahirap talaga kasi nakakapagod din talaga," pahayag niya.

Bilang pagpapahalaga sa medical frontliners tulad niya, patuloy na namahagi ng protective supplies ang GMA Kapuso Foundation sa 8 pampublikong ospital sa NCR.

 

 



Kabilang dito ang Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, Caloocan City Medical Center-North, Caloocan City Medical Center-South, Navotas City Hospital, East Avenue Medical Center, Quezon City General Hospital, National Kidney and Transplant Institute, at Philippine Heart Center.

Sa kabuuan, nakapagbigay sa mga ospital na ito ng 24,000 pares ng gloves, 800 piraso ng hazmat PPE, 400 piraso na washable PPE, 1,600 piraso na face shield, 200 gallons/800 liters ng alcohol, 80 boxes/3,840 piraso na Palmolive soap, 2,800 piraso KN95 masks, 2,530 bote ng Poten-cee gummies, 80 boxes/1,600 packs ng Nissin Wafer Biscuits, at 360 boxes ng Lola Remedios All-natural Supplement Syrup.

Katuwang pa rin ng GMA Kapuso Foundation sa pamamahagi ang AFP Joint Task Force NCR.

Nagpapasalamat din ang GMA Kapuso Foundation sa Suit for Life.

Sa mga nais pang mag-abot ng tulong, bumisita lang sa official website ng GMA Kapuso Foundation.