Solo parent na PWD, kabilang sa mga natulungan ng GMA Kapuso Foundation sa Cebu | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Kabilang ang solo parent na isa ring person with disability sa mahigit 10,000 taong natulungan ng GMA Kapuso Foundation sa Cebu.  

Solo parent na PWD, kabilang sa mga natulungan ng GMA Kapuso Foundation sa Cebu

By MARAH RUIZ

Kahit may kapansanan, patuloy na itinataguyod ni Judelyn Alboro ang kanyang pamilya.

Naging biyuda kasi siya noong 2017 at simula noon, siya na lang ang inaasahan ng kanyang tatlong anak.

Nakabaluktot at maikli ang mga binti ni Judelyn kaya hindi siya makalakad nang maayos. Ginagamit niya ang kanyang mga kamay at tuhod para makagalaw.

"Ang hanapbuhay ko ngayon ay tulad pa rin ng dati, paglalaba at pagmamasahe. Doon ko pa rin kinukuha ang panggastos sa pang-araw araw para may makain kami," pahayag niya.

Isa ang pamilya ni Judelyn sa mahigit 10,000 tao sa Carcar at Danao cebu na hinatiran ng GMA Kapuso Foundation ng grocery packs.

 

 


Katuwang naman sa pamamahagi ang Philippine Airforce, AFP Central Command, at Task Force CBS.

Nagpapasalamat din ang GMA Kapuso Foundation sa Lola Remedios All-natural Supplement Syrup.

Sa mga nais pang mag-abot ng tulong, bumisita lang sa official website ng GMA Kapuso Foundation.