GMA Kapuso Foundation, patuloy na nananawagan para sa mga donasyon | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Patuloy na tumatanggap ng mga donasyon ang GMA Kapuso Foundation para sa Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19 at iba pa nitong mga programa.

GMA Kapuso Foundation, patuloy na nananawagan para sa mga donasyon

By MARAH RUIZ

Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, patuloy din ang panawagan ng GMA Kapuso Foundation para sa mga donasyon.


Tumatanggap pa rin ng mga donasyon ang Foundation para maipagpatuloy ang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19 na naglalayong maghatid ng personal protective equipment (PPE), face shields, faces masks, at iba pang protective supples sa mga pampublikong ospital sa buong Pilipinas.

Bukod dito, gagamitin din ang nalikom na pondo para magbigay ng grocery packs sa mga komunidad na naapektuhan ng quarantine ang hanapbuhay.

 

Protective supplies na hatid ng GMA Kapuso Foundation

 


Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.