GMA Kapuso Foundation: Pasasalamat at panawagan | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Lubos pa rin ang pasasalamat ng GMA Kapuso Foundation sa lahat ng donors, sponsors at partners. Bukod dito, patuloy din itong nananawagan para sa mga donasyon.

GMA Kapuso Foundation: Pasasalamat at panawagan

By MARAH RUIZ

Sa pagpapatuloy ng iba't ibang programa ng GMA Kapuso Foundation, nangangailangan din ito ng patuloy na suporta at mga donasyon.

"Malaking ambag sa ating malawakang Operation Bayanihan ang mga donasyon ninyo na layong makatulong sa mga kababayan nating nangangailangan," pahayag ni GMA Kapuso Foundation Founder and Ambassador Mel Tiangco.

Dahil dito, lubos na nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa lahat ng donors, sponsors at partners na naging katuwang nito.

"Kaya abot abot po ang pasasalamat ng GMA Kapuso Foundation sa patuloy ninyong pagtulong, suporta at pagtitiwala para maisakatuparan ito," dagdag pa niya.

Pinangunahan din niya ang panawagan para sa iba pang donasyon.

"Sa mga nais pang makiisa sa ating mga projects, bisitahin lang po ang www.GMANetwork.com/KapusoFoundation/donate," aniya.

 

Kapuso Foundation

 


Ang mga malilikom na pondo ay mapupunta sa pagpapatuloy ang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19 na naglalayong maghatid ng personal protective equipment (PPE), face shields, faces masks, at iba pang protective supples sa mga pampublikong ospital sa buong Pilipinas.

Bukod dito, gagamitin din ang nalikom na pondo para magbigay ng grocery packs sa mga komunindad na naapektuhan ng quarantine ang hanapbuhay.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.