GMA Kapuso Foundation, namigay ng school supplies sa mga public school students | GMANetwork.com - Foundation - Articles

80,000 public school students ang target bigyan ng GMA Kapuso Foundation ng school supplies.

GMA Kapuso Foundation, namigay ng school supplies sa mga public school students

By MARAH RUIZ

Bilang pagpapahalaga sa edukasyon, sinimulan na ng GMA Kapuso Foundation ang Unang Hakbang sa Kinabukasan Project

Layunin nitong maghatid ng school supplies sa mga mga incoming Kinder at Grade 1 students ng iba't ibang pampublikong paaralan sa Pilipinas.
 

 

kids wearing GMA masks

 

Una nang naghatid ng school supplies ang GMA Kapuso Foundation sa Masbate, Albay at Camarines noong nakaraang linggo.

"Malaking tulong ito kasi ngayon pa lang, mafi-feel na nila na malapit na ang pasukan. Lalong lao na for quite a while, nadis-engage 'yung ating mga kabataan, yung ating mga learners sa paaralan at sa learning process," pahayag ni DepEd Provincial School Superintendent Nene Merioles.

80,000 estudyante ang target mabigyan ng school supplies, pati na COVID-19 kits na magpoproteksa sa kanila mula sa virus.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa Colgate-Palmolive Philippines, Inc. at sa Ever Commonwealth sa pakiisa sa proyekto.

Katuwang din ang Southern Luzon Command ng AFP at 9th Infantry Division (2IB, 83IB and 92IB).

Sa mga nais pang mag-abot ng tulong, bumisita lang sa official website ng GMA Kapuso Foundation.