GMA Kapuso Foundation, patuloy sa pamamahagi ng mga protective supplies sa mga pampublikong ospital | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Patuloy ang paghahatid ng GMA Kapuso Foundation ng protective supplies sa mga pampublikong ospital sa Metro Manila.  

GMA Kapuso Foundation, patuloy sa pamamahagi ng mga protective supplies sa mga pampublikong ospital

By MARAH RUIZ

Sa patuloy na laban ng bansa sa COVID-19, patuloy rin ang paghahatid ng GMA Kapuso Foundation ng protective supplies sa iba't ibang mga pampublikong ospital sa Metro Manila.

Sa pag-iikot ng Foundation, nakilala nila ang nurse at COVID-19 survivor na si AJ Villanueva.

Isa siyang surgical ICU nurse na naka-assign sa COVID isolation tents sa Quezon City General Hospital.

16 hours siyang naka-duty kada araw kaya malaking dagok nang tamaan siya ng sakit.

Sa kabutihang palad, naka-recover siya at pinayagan nang bumalik sa trabaho.

 

 

Nurse AJ


"Mas naiintindihan ko 'yung sitwasyon nila bilang pasyente. Sine-share ko sa kanila na once I've been a patient and nalampasan ko lahat through prayers," pahayag ni Nurse AJ.

Bilang suporta sa malasakit ng mga medical frontliner tulad niya, patuloy pa rin ang GMA Kapuso Foundation sa pamamahagi ng protective supplies sa Metro Manila, kabilang ang Quezon City General Hospital.

Muling nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng Lola Remedios All-Natural Supplement Syrup at Suit for Life.

Katuwang pa rin ang AFP Joint Task Force NCR sa pamamahagi.

 


Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para sa mga medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa lockdown na hatid ng quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.

Maaari din bumili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Zalora, o gumamit ng PayMaya para mag-donate sa GMA Kapuso Foundation.