GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng school supplies at anti-COVID-19 kits sa mga estudyante sa Albay | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Bilang bahagi ng 'Unang Hakbang sa Kinabukasan' project, naghatid ng school supplies at anit-COVID-19 kits ang GMA Kapuso Foundation sa mga mag-aaral sa Albay.

GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng school supplies at anti-COVID-19 kits sa mga estudyante sa Albay

By MARAH RUIZ

Bukod sa online classes, modular learning ang isa pang naging alternatibo ng mga paaralan sa in-person classes sa panahon ng COVID-19.

Isa ang Tiwi, Albay sa mga nagsasagawa ng modular learning ngayong pasukan.

Sa modular learning, bibigan ng mga printed modules na maaaring sagutan ang mga mag-aaral.

Mga magulang naman ang gagabay sa mga anak sa pag-aaral.

 

Nelie D Cope

 


"In Tiwi district, we decided to have a printed module or modular learning. Halos lahat ng mga magulang ay sumagot na printed modules ang kailangan nila kasi po mahihirapan sila 'pag mag-online," pahayag ni Nelie D. Cope, public school district supervisor, ng Tiwi District.

Bilang tulong sa mga mag-aaral, naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng complete set ng school supplies at anti-COVID-19 kits na may lamang sabon, alcohol at face masks para sa 2,800 estudyante sa Tiwi at Malinao, Albay.

Bahagi ito ng 'Unang Hakbang sa Kinabukasan' project na naglalayong makapab-abot ng school supplies sa 80,000 estudyante sa parating na pasukan.

Nagpapasalamat naman ang GMA Kapuso Foundation sa patuloy na pakikiisa ng Colgate-Palmolive Philippines, Inc., AFP Southern Luzon Command, at Philippine Army 9ID (2IB and 83IB) sa proyekto.

Sa mga nais pang makiisa sa mga programa ng GMA Kapuso Foundation, bumisita lang sa official website nito.