5,600 estudyante sa Mindoro, hinandugan ng school supplies ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Mga guro at magulang ang tumanggap ng school supplies na hatid ng GMA Kapuso Foundation para sa 5,600 estudyante sa Mindoro.  

5,600 estudyante sa Mindoro, hinandugan ng school supplies ng GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Patuloy ang pag-iikot ng GMA Kapuso Foundation para mamigay ng school supplies para sa mga incoming kinder at grade 1 students sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Nitong nakaraang linggo, 5,600 mag-aaral ang hinatiran ng complete set ng school supplies at anti-COVID kits sa probinsya ng Oriental Mindoro at Occidental Mindoro.

 

 

Magulang at guro na tumanggap ng school supplies

Bilang pag-ingat sa COVID-19, mga guro at magulang muna ang tumanggap ng mga school supplies para sa mga bata.

Bahagi ito ng proyekto ng Unang Hakbang sa Kinabukasan na naglalayong makapag abot ng school supplies sa 80,000 estudyante sa parating na pasukan.

Katuwang ng GMA Kapuso Foundation sa pamamahagi ang Philippine Army 2ID (4IB, 76 IB, at 203B).

Sa mga nais pang makiisa sa mga programa ng GMA Kapuso Foundation, bumisita lang sa official website nito.