2,800 estudyante sa Quezon Province, nabigyan ng school supplies ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Naghatid ng school supplies at anti-COVID kits ang GMA Kapuso Foundation para sa 2,800 estudyante sa dalawang bayan sa Quezon Province.

2,800 estudyante sa Quezon Province, nabigyan ng school supplies ng GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Bumisita ang GMA Kapuso Foundation sa bayan ng San Narciso at San Andres sa Quezon Province para mamigay ng school supplies para sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan doon.

Bahagi ito ng Unang Hakbang sa Kinabukasan project na layunin ang makapag-abot ng school supplies sa 80,000 estudyante para sa paparating na pasukan.

 

 

Magulang at guro na tumanggap ng school supplies


Sa bayan ng San Narciso, kalahati sa 20 paaralan ang hirap sa internet access kaya hindi posible ang online classes.

"Gusto man po namin, kami po ay kulang sa teknolohiya dahil ang San Narciso ay hirap sa pagdating sa signal. The rest po ng mga barrio school na ating naman pong napuntahan ay [gumagamit ng] modular instruction," pahayag ni Angelito Olvida, public school district supervisor ng San Narciso, Quezon, Region IV-A, CALABARZON DepEd.

Para makatulong sa mga mag-aaral sa San Narciso at pati na sa San Andres, namahagi ang GMA Kapuso Foundation ng 2,800 bags na may kumpletong school supplies at may kasamang anti-COVID kits.

 


Katuwang ng GMA Kapuso Foundation sa pamamahagi ang Southern Luzon Command ng AFP at Philippine Army 2ID (201st IB, 85th IB).

Sa mga nais pang makiisa sa mga programa ng GMA Kapuso Foundation, bumisita lang sa official website nito.