Mga mag-aaral sa Laguna, binigyan ng school supplies ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Naghatid ng school supplies ang GMA Kapuso Foundation para sa mga estudyante ng ilang pampublikong paaralan sa Laguna.  

Mga mag-aaral sa Laguna, binigyan ng school supplies ng GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Isa ang edukasyon sa mga pinaka naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Para maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga bata, gumamit ng modular learning ang ilang paaralan.

Isa na dito ang eskuwelahan kung saan nagtuturo ang guro na si Liza Orense.

 

Liza Orense isang guro

 


May mensahe naman si Liza para sa kanyang mga estudyante sa parating na pasukan.

"Huwag silang mawalan ng pag-asa. Hindi po hadlang ang kahirapan para maabot 'yung kanilang mga pangarap. bBasta maging pursigido lang sila sa kanilang sarili," pahayag niya.

Kabilang ang mga estudyante ni Liza sa mga nabigyan ng GMA Kapuso Foudnation ng bags at kumpletong school supplies sa pagbisita nito sa ilang pampublikong paaralan sa Laguna.

Bahagi ito ng Unang Hakbang sa Kinabukasan project na naglalayong makapagbigay ng school supplies sa 80,000 estudyante sa parating na pasukan.

Bahagi din ng proyekto ang mabigyan ng proteksiyon ang mga mag-aaral kaya binigyan din sila ng ant-COVID kits na may face mask, alcohol at sabon.

Naging katuwang ng GMA Kapuso Foundation ang Department of Education Division of Laguna at Philippine Army 2ID (202nd BDE, 1st BN, 22nd Division Reconnaissance Company) sa proyekto.

Nagpapasalamat din ang GMA Kapuso Foundation sa suporta ng Department of Health (DOH), Great Taste Ehite at Rhea Generics.

Sa mga nais pang makiisa sa mga programa ng GMA Kapuso Foundation, bumisita lang sa official website nito.