GMA Kapuso Foundation, nakalikom ng mahigit 270 blood bags sa Sagip-Dugtong Buhay Bloodletting Project | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Mahigit 270 blood bags ang nalikom sa isinagawang Sagip-Dugtong Buhay Bloodletting Project ng GMA Kapuso Foundation kamakailan.

GMA Kapuso Foundation, nakalikom ng mahigit 270 blood bags sa Sagip-Dugtong Buhay Bloodletting Project

Isa ang volunteer group na SAVER Comm o Social Action Volunteer Emergency Radio Communication na tumugon sa panawagan ng GMA Kapuso Foundation para sa mga blood donation.

Nagsimula sila noong 1999 bilang amateur radio operators at hanggang ngayon, tumutulong sa rescue operations pati na sa pagbabantay sa kalye sa Muntinlupa.

Christian San Pedro SAVER Communication

 

"Nakita ko po na nanawagan si Ma'am Mel Tiangco. That's the time po na sabi namin talagang dapat naming ituloy ito (blood donation).

"Naisip po namin na baka sakali, ma-motivate natin 'yung ibang social civic na grupo (na tumulong din)," pahayag ni Christian San Pedro, national coordinator ng SAVER Comm.

Isinagawa ng GMA Kapuso Foundation ang Sagip-Dugtong Buhay Bloodletting Project kamakailan sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija at Villamor Airbase sa Pasay.

Nakiisa dito ang SAVER Comm, PRC Nueva Ecija Chapter, PRC Mandaluyong Chapter, Special Operations Command ng AFP, Special Forces Regiment Airborne, Philippine Airforce Civil Military Operations Group, at 7th Infantry Division ng Philippine Army (Headquarters Service Unit, JSOF3, JSOS, Maneuver Center, TRADOC, Army Aviation Regiment).

Nakakalap ang Sagip-Dugtong Buhay Bloodletting Project ng mahigit 270 blood bags na maaaring tumulong sa mahigit 800 na pasyente.

Tiniyak naman ng GMA Kapuso Foundation na nasusunod ang safety health protocols para sa kaligtasan ng donors at staff.

Sa mga nais mag-donate ng dugo, pumunta sa pinakamalapit na Philippine Red Cross Center sa inyong lugar.

Sa mga nais pang makiisa sa mga programa ng GMA Kapuso Foundation, bumisita lang sa official website nito.