GMA Kapuso Foundation, naghatid ng school supplies sa 78 paaralan sa Isabela | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Naghandog ng school supplies ang GMA Kapuso Foundation sa 78 pampublikong paaralan sa Isabela.

GMA Kapuso Foundation, naghatid ng school supplies sa 78 paaralan sa Isabela

By MARAH RUIZ

Sa parating na pagbubukas ng klase, isa ang telebisyon sa magiging medium na pagtuturo.
Kaya naman puspusan ang ilang guro sa paggawa ng mga video kung saan tampok ang kanilang mga leksiyon.

Ipinasilip ng Luna Central School sa Luna, Isabela kung paano nila i-produce ang mga videos na gagamitin nila para sa parating na school year.

Ginamit nilang studio ang isang classroom ng mga Grade 1 pupil.

Kahit ganito ang paraan ng pagtuturo, kailangan pa rin ng mga estudyante ng mga basic school supplies.

Bilang bahagi ng Unang Hakbang sa Kinabukasan project, naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng school bag, kumpletong school supplies at pati na anti-COVID kits para sa 78 public elementary schools sa lalawigan ng Isabela.

 

Madelyn Macalling Schools Division Superintendent SDO Isabela

 


"Dito sa ibibigay ng GMA Kapuso Foundation, 3,000 learners from the last mile schools [ang makikinabang]. Sigurado po na ito po ay magbibigay sigla at galak sa mga mag-aaral, lalong lalo na sa ating mga mgaulang," pahayag ni Madelyn Macalling, Schools Division Superintendent, SDO-Isabela.

Katuwang ng GMA Kapuso Foundation sa operasyon ang Department of Education-Division of Isabela at Ph Army (502nd BDE, 95th BN, 86th BN).

Sa mga nais pang makiisa sa mga programa ng GMA Kapuso Foundation, bumisita lang sa official website nito.