4,200 mag-aaral sa Rizal, nabigyan ng school supplies ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng school supplies para sa 4,200 mag-aaral sa Rizal, kabilang na sa paaralang minsan nang tinulungan nito matapos ang bagyong Ondoy.  

4,200 mag-aaral sa Rizal, nabigyan ng school supplies ng GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Isa ang Matagbak Elementary School sa Rizal sa mga natulungan ng GMA Kapuso Foundation matapos ang bagyong Ondoy.

2009 nang masira ang ilang bahagi ng paaralan kaya bilang bahagi ng Kapuso School Development project, nakapagtayo ang GMA Kapuso Foundation dito ng tatlong classrooms noong 2010.

Sa panahon ng pandemya, binalikan ng GMA Kapuso Foundation ang eskuwelahan para naman mamigay ng school supplies sa mga mag-aaral nito.

 

 

Perla Masinsin


"Napaka laking tulong ito sa aming mga mga-aaral. Unang-una nga po ngayon na panahon ng pandemic, ang mga magulang natin dito po ay talagang nawalan ng trabaho," pahayag ni Perla Masinsin, teacher-in-charge sa Matagbak Elementary School.

Sa kabuuan, 4,200 school bags na may kumpletong school supplies at anti-COVID kits na may lamang face masks, sabon at alcohol ang naipamigay sa lalawigan ng Rizal.

Bahagi ito ng Unang Hakbang sa Kinabukasan project na naglalayong makapagbigay ng school supplies sa 80,000 estudyante sa parating na pasukan.

Katuwang sa pamamahagi ang Department of Education-Division of Rizal at Philippine Army 2ID (80th BN).

Nagpapasalamat din ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng Lola Remedios All-Natural Supplement Syrup sa proyekto.

Sa mga nais pang makiisa sa mga programa ng GMA Kapuso Foundation, bumisita lang sa official website nito.