Mahigit 130 public schools sa Cagayan at Isabela, hinatiran ng school supplies ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng school supplies sa mahigit 130 public schools sa Cagayan at Isabela sa ilalim ng Unang Hakbang sa Kinabukasan project.

Mahigit 130 public schools sa Cagayan at Isabela, hinatiran ng school supplies ng GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Hindi lang mga mag-aaral kundi pati na mga guro ang kanya-kanya ang diskarte sa paghahanap ng signal para makapagdaos ng kanilang online classes.

Para naman sa iba, buwis-buhay ang ginagawang paglusong sa ilog at paglalakad sa masusukal na daan para makapaghatid ng modules sa kanilang mga estudyante.

 

 


"10 kilos po o mahigit pa [ang bitbit namin] kasi kailangan naming buhatin lahat para hindi kami pabalik balik dito sa school. [Hinahatid namin ang modules] para po makatulong dito sa mga bata," pahayag ni Syla Cervera, isang guro.

Minabuti ng GMA Kapuso Foundation na hatiran ng school supplies ang mga mag-aaral sa mahigit 130 pampublikong paaralan sa Cagayan at Isabela.

Bilang bahagi ng Unang Hakbang sa Kinabukasan project, nabigyan sila ng school bag na may kumpletong school supplies at anti-COVID kit na may lamang face masks, alcohol at sabon.

Katuwang ng GMA Kapuso Foundation sa proyekto ang Department of Education Division of Cagayan at Divison of Isabela pati na ang Philippine Army 5ID.

Sa mga nais pang makiisa sa mga programa ng GMA Kapuso Foundation, bumisita lang sa official website nito.