GMA Kapuso Foundation, target na makapagbigay ng school supplies sa 80,000 estudyante | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Patuloy na tumatanggap ng mga donasyon ang GMA Kapuso Foundation para makapagbigay ng school supplies sa 80,000 public school students sa ilalim ng Unang Hakbang sa Kinabukasan project.

GMA Kapuso Foundation, target na makapagbigay ng school supplies sa 80,000 estudyante

Sa pagbubukas ng klase ngayong Oktubre, marami pa rin nangangailangan ng school supplies lalo na ang mga mag-aaral na nasa blended classes o modular learning.

Kaya naman patuloy ang pamamahagi ng GMA Kapuso Foundation ng school bag na may kumpletong school supplies para sa mga estudyante ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

 

 


Bukod dito, nagbibigay din ang GMA Kapuso Foundation ng anti-COVID kits na may lamang face masks, alcohol at sabon para mapanatiling ligtas ang mga mag-aaral mula sa COVID-19.

Bahagi ito ng Unang Hakbang sa Kinabukasan project na layunin ang makapagbigay ng school supplies sa 80,000 public school students mula Luzon, Visayas at Mindanao.

Patuloy na tumatanggap ang GMA Kapuso Foundation ng mga donasyon para maipagpatuloy ang proyektong ito.

Sa mga nais magbigay ng donasyon, bumista lang sa official website ng GMA Kapuso Foundation.