1,200 estudyante sa Rizal, binigyan ng school supplies ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng school supplies para sa 1,200 estudyante sa tatlong public schools sa Rizal.

1,200 estudyante sa Rizal, binigyan ng school supplies ng GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

1,200 mag-aaral mula sa tatlong pampublikong paaralan sa Jalajala, Rizal ang nagbigyan ng school supplies ng GMA Kapuso Foundation.

Bahagi ito ng Unang Hakbang sa Kinabukasan project na naglalayong makapagbigay ng school supplies sa 80,000 na mag-aaral ngayong pasukan.

Kasama sa mga natulungan ang dalawang anak ng tindera ng gulay si Mary Jane Ibañez Edan.

 

 

School bag na may kumpletong school supplies


Dalawang oras ang nilalakad niya patungo sa maliit na lupain sa bundok para kumuha ng mga paninda. Madulas pa ang daang nilalakaran kapag umuulan, kaya tinatahak niya ito nang walang sapin sa paa.

"Pangarap ko lang po 'yung makatapos sila, magkaroon po sila ng magandang buhay," pahayag niya para sa mga anak.

Bukod sa bag na may lamang kumpletong school supplies, hatid din ng GMA Kapuso Foundation ang anti-COVID kits na may lamang face masks, alcohol at sabon.

Katuwang ng GMA Kapuso Foundation sa proyekto ang Department of Education-Division of Rizal at Philippine Army 2ID (80th BN).

Nagpapasalamat din ang GMA Kapuso Foundation sa Lola Remedios All-natural Supplement Syrup sa pakikisa sa proyekto.

Sa mga nais magbigay ng donasyon, bumista lang sa official website ng GMA Kapuso Foundation.