GMA Kapuso Foundation, naghandog ng school supplies sa mahigit 2,100 mag-aaral sa Cagayan | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Mahigit 2,100 estudyante sa Cagayan ang nahandugan ng school supplies ng GMA Kapuso Foundation.

GMA Kapuso Foundation, naghandog ng school supplies sa mahigit 2,100 mag-aaral sa Cagayan

By MARAH RUIZ

Mahigit 2,100 mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa Tuao at Lasam sa Cagayan ang binigyan ng school supplies ng GMA Kapuso Foundation.

Bukod dito, nakatanggap din sila ng anti-COVID kits na may lamang face masks, alcohol at sabon.

 

 

School bag na may kumpletong school supplies


Bahagi ito ng Unang Hakbang sa Kinabukasan project na naglalayong makapagbigay ng school supplies sa 80,000 mag-aaral ngayong pasukan.

Katuwang ng GMA Kapuso Foundation sa proyekto ang Department of Education-Division of Cagayan at Philippine Army 5ID (502nd BDE, 17th BN).

Nagpapasalamat din ang GMA Kapuso Foundation sa Lola Remedios All-Natural Supplement Syrup sa pakikisa sa proyekto.

Sa pagpapatuloy ng Unang Hakbang sa Kinabukasan project, humiling si GMA Kapuso Foundation Founder and Ambassador Mel Tiangco ng patuloy na suporta para rito.

"Malaking bahagi ng mga nakaka-inspire na istoryang ating inilalahad ay mula sa inyong mga donasyon kaya makibahagi na rin sa Unang Hakbang sa Kinabukasan project ng GMA Kapuso Foundation," pahayag niya.

Sa mga nais magbigay ng donasyon, bumista lang sa official website ng GMA Kapuso Foundation.