GMA Kapuso Foundation, nag-abot ng munting regalo para sa babaeng napaanak sa free COVID-19 swabbing center | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nagbigay ng regalo ang GMA Kapuso Foundation sa babaeng napaanak habang nakapila sa isang free COVID-19 swabbing center.

GMA Kapuso Foundation, nag-abot ng munting regalo para sa babaeng napaanak sa free COVID-19 swabbing center

By MARAH RUIZ

'Di inaasahang nanganak si Cherry Ane Balat habang nakapila sa free COVID-19 swab test sa isang mall sa Pasay.

Requirement sana ito sa kanyang panganganak sa ospital pero dahil sa haba ng pila, doon na nag-labor si Cherry Ane.

Buti na lang, tinulungan siya ni P/Lt. Col. Jesus Ostrea III na isang nurse at swabbing facility administrator sa pinilahan niyang testing center.

Matapos ang ilang araw, binisita ng GMA Kapuso Foundation si Cherry Ane at kanyang anak.

Ibinihagi niyang "Moana" ang ibinigay niyang palayaw sa bata bilang alaala sa lugar kung saan siya nanganak, sa SM Mall of Asia Arena or mas kilalang SM MOA.

 

Baby Moana

 

Nagbigay ang GMA Kapuso Foundation ng ilang gamit para kay Moana at grocery packs naman para sa kanyang pamilya.

"Lubos po akong nagpapasalamat. Thankful po ako kasi kahit papano, natutulungan n'yo po kami," pahayag ni Cherry Ane.

Bukod dito, nagbigay din ang GMA Kapuso Foundation ng ilang protective supplies para sa Philippine National Police personnel ng swab test facility sa SM MOA.

Lubos na nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikipagtulungan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, PNP Medical Reserve Force, Bases Conversion Development Authority, Department of Health, at Lola Remedios All-Natural Supplement Syrup.

Sa mga nais pang makiisa sa mga programa ng GMA Kapuso Foundation, bumisita lang sa official website nito para sa karagdagang impormasyon.