Mel Tiangco, nagpasalamat sa lahat ng nag-donate sa GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Mahigit 89,000 katao ang nabigyan ng grocery packs habang 136 public hospitals ang nabigyan ng protective supplies ng GMA Kapuso Foundation.

Mel Tiangco, nagpasalamat sa lahat ng nag-donate sa GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Lubos ang pasasalamat ni GMA Kapuso Foundation founder and ambassador Mel Tiangco sa lahat ng nagbigay ng donasyon sa proyektong Operation Bayanihan: Labanan natin ang COVID-19.

 

GMA Kapuso Foundation donations

 

Bukod dito, ipinaabot din niya ang pasasalamat sa mga nagbigay ng iba't ibang uri ng suporta para sa nasabing proyekto ng GMA Kapuso Foundation.

"Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng nagbigay ng donasyon sa Operation Bayanihan: Labanan natin ang COVID-19--mula po sa mga individual donor, partner, sponsor, pati na mga kumpanya, organisasyon, mga sundalo, PNP, at maging sa mga artista. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat, maging sa mga local na pamahalaan na naging katuwang namin para maabutan ng tulong ang libu-libong indibidwal," pahayag niya.

Libu-libong tao ang nahatiran ng relief goods, habang maraming pampublikong ospital naman sa buong bansa ang nabigyan ng protective supplies.

"Dahil sa inyong mga tulong, nakapagbahagi tayo ng Kapuso grocery packs sa mahigit 89,000 katao, protective supplies naman sa 136 pampublikong ospital mula Luzon, Visayas, at Mindanao," aniya.

Sa mga nais pang makiisa sa mga programa ng GMA Kapuso Foundation, bumisita lang sa official website nito para sa karagdagang impormasyon.